[AIKEAH]
Mabilis na lumipas ang isang buwan. Well, ganun pa din naman. Still they bully me, pero there are times na lumalaban na ako kapag OA na sila. Lalo na sila AnnaKarenNina. Hehe. At heto, katabi ko pa din si Zion, who happens to be my partner din sa ibang subjects/project.
At, namimiss ko na sila. Seryoso na ako dun. Gustong gusto ko na sila makita, makausap, makakulitan, at makabugbugan. Hehe. Kapag kase wala kaming magawa at wala naman laban, ganyan kami magpraktis. Binubugbog namin ang isa't isa. Hehe. Trip trip lang. Si Charles talaga pasimuno nito eh.
"Penny for your thoughts, Ms. Rodriguez." Zion.
"Sorry. Ano nga ulit yung sinasabi mo?"
"Next class na po kase yung Math. And we are assigned to discuss on how to find the value of X. Wala akong balak na ako lang ang magpaliwanag niyan. Kaya kung pwede lang eh, paki-intindi naman. S2pid." nak ng, maka s2pid akala mo naman napakatalino eh. Mas matalino pa po ako sayo. Kahit naman puro ko gang fights nuon at unting landi nun nagka-boyfriend eh rank 1 pa din ako sa acads namin noh. Akala nito shungaks ako?
"Sir, you do not have to worry. I fully understand that we need to find the value of x. P0tah naman kase eh, bakit pa kailangan hanapin ang value ng x eh x na nga, Buhay naman, parang Math." inis kong sabi.
"Humuhugot ka na niyan? Ayusin mo nga Marini!" galit na. Haha. Piko amph!
TUmahimik na lang ako sinolve in less than a minute ang problem na ibinigay ni Ms. Reyes sa amin. Yan yung irereport namin mamaya. "Okay na po ba? You just ned to recite or discuss it in front, andyan na din lahat. Even the words that you nrrd to say, andyan na din lahat po.! Pwede na po ba ako mag-day dreaming?" pang-iinis ko sa kanya, dahil gusto ko lang naman talaga matulog.
Dumukdok na ako sa desk ko after kong makita syang ngumiti. I love seeing him smile. It gives warmth to my coldness. I feel like I am who I am with him. Then he said his thanks and hinayaan na niya ako. Pero wala pang ilang minuto akong nakadukdok nito ng biglang magring ang phone ko.
Unknown number
********************************************************************************************************************
[ZION]
She's actually a nice girl. I think I'm starting to like her. Matalino, walang arte, sweet pero sobrang tapang. She's a different kind of girl. You can notice her without her exerting any effort para mapansin mo sya. I think that's the reason kung bakit napapag-initan siya ng mga ibang babae dito.
Minsan nga naiisip ko, isa din ako sa rason kung bakit napapag-diskitahan sya. Hindi naman sa pagmamayabang, pero isa ako sa sikat na tao dito sa school. Maging parte ka ba naman ng band at basketball dito sa campus, ewan ko na lang kung hindi ka nila makilala.
I know one month na tayong magkakwentuhan pero hindi pa ako nagpakilala sa inyo. I'm Zion Drew Francisco. Only child. Hindi naman kami ganun kayaman. Sakto lang sa buhay. My father is a businessman, and my mom is a dentist. Kaya naman ngiting pang tooothpaste commercial ako. Haha. Matangkad ako, around 5'9 ang heaight ko, matangos ilong, brown eyes, messy hair pero I look hot, yun ang sabi nila.
Nagulat ng biglang magring ang phone ni Marini. Kakaksubsub lang niya para magpahinga, kaso naistorbo agad. Ang galing niya sa Math, actually sa lahat ng subjects. Idol ko na yan. Haha. De joke lang. Crush ko lang sya. Haha. Kita ko naman sya na nakatitig lang sa phone niya at hindi sinasagot.
"May tinatawag na answer button, ang ingay na eh." inis naman kase talaga. "Unknow number?" tapos tumango lang sya. Parang napakaraming tinatago ng babaeng ito.
"Hello?.......... Yes! Why?............. dad? why did you call? any problem?." and I can sense na may pag-aalala sa tinig niya. "si Albert? why all of a sudden?..... La formation pour ce [training for what]?" at naging alien bigla? Bi-linggual pala ang isang ito. "joh-a naneun appa eod-eul [ok i get it daddy]" then she ended the call.
"Wow. Ang dami mo naman alam na language." Napaka talented naman nitong isang ito. ANO PA BA ANG HINDI NIYA KAYANG GAWIN?!
Ngumiti lang sya sa akin. Ow sh1t na malagkit. Nababakla na ata ako dahil sa babaeng ito. Her smile is contagious so napangiti na lang din ako sa kanya. "Sorry naman kung naging alien ako bigla. Hehe. Si daddy kase, gusto niya marami akong alam na lengguwahe para daw hindi ako naiisahan. Hehe. Una na ako ha. May kailangan lang ako gawin eh. Kaya mo na yan i-discuss. I have faith in you," sabi niya tapos biglang itinaas yung right hand niya. "Isang higg five naman dyan."
Parang ayaw ko nang bitawan yung kamay niya after niya akong i-high five. COnfirmed, I like her na nga. At tuluyan na syang umalis ng room. Para akong naengkanto at hindi pa din gumagalaw. "ARAY!"
Binatukan ako ni Mark. Isa sa mga kasama ko sa banda. "Pre, para kang naengkanto sa babaeng yun ah? Nerds na ba type mo ngayon? Ayaw mo na ba sa mga sexy-ing babae?" binatukan ko nga. Igagaya pa ako sa kanila eh. Kahit naman nagbabanda at nagbabasketball ako, eh matino ako noh.
Oh sya, next time na lang ulit, at andito na si Ms. Reyes, pero gulat ko ng makita ko si Marini na bumalik. Problema nito? Akala ko naman aalis na talaga. Tsk.
********************************************************************************************************************
[AIKEAH}
Ano ba yan, akala ko pa naman makakaalis na ako. Kase si Albert daw uuwi. Yes. May training daw kase ako. Importante daw na mag-training ulit ako. Kaya lumabas ako ng classroom agad agad. Hehe. Syempre susnduin ko si Albert sa airport. Hehe. Excited much.
Pero, hindi pa ako nakakababa ng hagdan ay biglang tumawag si Albert.
"Albert, nasa airport ka na? Wait lang papunta na ako dyan."
"No need my dear princess, nandito na ako sa parking lot ng school niyo, at hindi ko nakikita ang isa man lang sa mga babies mo." Albert.
"Hanubayan, hindi mo man lang ko pinagsundo sayo," nakapout na ako niyan. Hehe.
"Don't worry mamaya sabay tayong uuwi. I promise you. Pero, bakit ang pangit mo?" ha? nakikita niya ko? Hays, nag ninja moves na naman ang isang ito!
"Hmp. Ewan sayo Albert! Panget ako? Grabe ka. Ang guapo mo kase eh. Basta, ilibre mo ko ng pizza mamaya dahil sinabihan mo akong pangit." hindi naman ako matitiis niyan eh. Hehe.
Ang ending? Heto, busangot akong pumasok sa room. Tapos etong katabi ko, ewan ko ba at nababaliw na ata at ngingiti ngiti sa akin. Inirapan ko na lang dahil biglang wala na ako sa mood. Can't wait for this class to be over. Sana lunch na. Gutom na ako, kase naaalala ko yung mga foods na binaggit ko kay Albert kanina eh. Hehe.
BLAH BLAH BLAH BLAH. Hala sige si mam daldal lang sa harap. At nakalimutan na nga din na mag-di-discuss kami ni Zion.
RRRRRRRRRRRRRRRIIIIIIIIIIIIIINNNNNNNNNNNNNNNNGGGGGGGGGGGGGGGGGGGGG
Ayown! Lunch time na. Bilis akong tumayo at lalabas na ng pinto ng hawakan ni Zion ang kamay ko "Saan ka pupunta at nagmamadali ka?" ay, pasaway naman.
"Sa canteen po. Kase lahat ng alaga ko sa tyan naghuhuramentado na! Mamatay na ako sa gutom. Hayaan mo namang kumain ang nerd na katulad ko. Putcha, nerd na nga mamamatay pa sa gutom!" with paawa eyes. Kase naman, gutom na talaga ako.
"Ang daming sinabi. Tinanong lang naman saan ang punta. Sige na sige na. Halika na, kain na tayo." at sya naman na ngayon ang humihila sa akin papunta ng canteen.
DUmirecho na kami ng usual table namin. Duon sa may dulo. Ayan na naman ang tingin ng mga babaeng ito. Kasalanan ko bang sa akin dumikot ang idol nila? SUsme!
"Sige na, ako na bahala sa foodangs natin. Stay put ka lang dyan mahal na prinsipe. Hehe. LIbre ko na to. Basta wag ka magpapalapit ng mga babae dito at baka masapak ko pa mga yun." nagulat naman ako sa nasbai ko. THis is not so me. I sounded like a jealous girlfriend here. F-ck.
"WOw! Jealous ang partner ko. Don't worry walang makakalapit. SIge na at bumili ka na ng foods, gutom na ang partner mo." and flashed me his perfect smile. Ang ngiting nagpatigil ng mundo ko, ang mga 30 seconds. Umalis na lang ako umorder ng mga kakainin namin.
"Miss, tig da-dalawa po ng pizza, coke, spaghetti, fries, and choco sundae. Eto po bayad." PG lang ang peg. Hehe. Agad ko naman kinuha yung orders namin at nag-thank you kay ateng medyo nagtataray sa akin. Palamunin ko kaya toh ng kamao ko? Hays.
Nagulat naman ako ng makita ko ang famous AnnaKarenNina na nakaharang sa dadaanan ko. Isang buwan din ata hindi nagparamdam sa akin ang landi trio na ito eh. Ahh! Baka pinaghandaan talaga nila ito? Ako pa ba? Pero paano? Ayoko ng away, magagalit si daddy, hindi ako makakuwi in 6 months time kapag nakipag-away ako. Huhuhu. Pa-awa effect na naman ako nito. Buhay naman oh! Lecheng Jack kase yan eh. Sa kanya talaga nagmula to eh!!!!!!!
"Ahm, excuse me lang po. Kase kakain na po kami ng partner kong si Zion. Makikiraan lang po." malumanay kong sabi at medyo lumakad na patagilid kae nasa gitna ang mga leshe eh.
Laking gulat ko naman ng itaob ni Anna paharap yung tray, kaya ang ending ayun, literal na pinaliguan ako ng pagkain. Nakakainis na ah.!
"Oh-ow! Sorry. Kalandian mo kase eh. SI Zion ko pa talaga ang napili mo!" sabay sampal ng malakas sa akin. Nak ng p-tah naman talaga oh. Masakit ah. Bilang maarte ako, nagkunwari akong napaupo sa sahig, causing everyone's attention. Badtrip. Hindi ako toh eh. Taos medyo nagpalabas ako ng luha. Mukhang hindi pa napansin ni Zion ang nagaganap dito ah?
Nagulat ako ng hawakan ki Anna at Karen ang dalawang braso ko. Tiis lang Aikeah, tiis lang. Para sa Black Hearts, hayaan mong ahit minsan naman sa buhay mo eh natalo ka. At hinablot ni Nina ng pagkalakas lakas ang buhok ko.
"ARAY!" napasigaw ako sa sakit. Sh-t! Naghiwalay ata yung buhok at anit ko. Patay talaga sa akin tong tatlong ito kapag nakawala ako! Tapos sinampal na naman niya ako. "Para yan sa pang-aagaw mo kay ZIon sa akin."
"Bakit? pag-aari mo ba sya? Hindi naman di ba? Gusto ka ba niya? Hindi din naman di ba? Sorry ka na lang dahil hindi isang tulad mo ang nagugustuhan ng prinsipe mo. Malay mo, yung binubugbog mo na pala ngayon ang gusto niya?" ha, sige mainis ka lang. TInignan ko sya ng masama.
Nagalit nga ata talaga ang lukring. Sinampal na naman ako ng malakas, at sinipa sa tagiliran. Susuntukin na sana niya ako ng may humawak sa kamay ni Nina.
"Stop it Nina! Hindi tayo, walang tayo, at never magkakaroon ng tayo. Tandaan mo yan. Tama siya, baka nga yung binubugbog niyo ngayon eh mahal ko na." sabi ni Zion na syang ikinagulat ko. Pero ayaw patinag ni Nina, sinipa niya ako sa tagiliran kaya napa-aray talaga ako. Pero, laking gulat namin ng may sumigaw.
[ZION]
Antagal naman ata nitong si Marini? Gutom na daw eh tapos babagal-bagal.
'Si nerd binubugbog nila Nina. Tara dali puntahan natin.'
TUmayo ako at dumirecho sa mga nagkukumpulan na estudyante. Nakita kong nasampal siya ni Nina at sumigaw si Nina "Para yan sa pang-aagaw mo kay ZIon sa akin." Baliw na ata ang isang ito.
Pero mas nagulat ako sa sagot ni Marini, na parang hindi man lang iniinda ang sakit ng sampal sa kanya, "Bakit? pag-aari mo ba sya? Hindi naman di ba? Gusto ka ba niya? Hindi din naman di ba? Sorry ka na lang dahil hindi isang tulad mo ang nagugustuhan ng prinsipe mo. Malay mo, yung binubugbog mo na pala ngayon ang gusto niya?" at tinignan niya ng masama si Nina. Bakit alam niya? Obvious ba ako?
At mukhang nagalit na ng tuluyan si Nina, susuntukin na sana niya si Marini pero pinigilan ko. ANong karapatan niyang saktan ang taong espesyal sa akin?
"Stop it Nina! Hindi tayo, walang tayo, at never magkakaroon ng tayo. Tandaan mo yan. Tama siya, baka nga yung binubugbog niyo ngayon eh mahal ko na." oo, hindi ako naniniwala sa love, pero simula ng dumating ang babaeng ito, ginulo niya ang bokabularyo ko at maging ang sistema ko!
"GANYAN KA NA BA NGAYON AM? HAHAYAAN MONG MAGPAPATALO NA LANG? I DIDN'T TRAIN YOU JUST FOR YOU TO LOSE. I NEVER WASTED MY ENTIRE LIFE TRAINING YOU TO BECOME THE LEADER. TRAINING YOU TO BECOME THE BLACK HEARTS PRINCESS. IF YOU ARE WORRYING ABOUT YOUR DAD, AKO NG BAHALA SAYO. SHOW THEM WHO YOU REALLY ARE. STOP HIDING, AM. STOP HIDING YOUR IDENTITY AIKEAH MARTINI RODRIGUEZ. FIGHT, PRINCESS, FIGHT!' sigaw ng isang lalaki. Hindi ko sya kilala pero alam kong si Marini ang tinutukoy niya. At anong totoong katauhan ni Marini?
Then, after ng lahat ng sinabing iyon ng lalaking yun, parang may kung anong nabago sa aura ni Marini, it's an aura na nakakatakot. Yung parang sa mga gangster ba. Yung tingin niya, kakaiba. Kung nakakamatay ang tingin, patay na sila Anna, Karen, at Nina ngayon.