TUesday na agad? Actually tnatamad pa ako. Hehe. Hindi naman ako ganito nun andun pa ko sa amin e. Pano kasi andun yung mga friends ko. Eh dito ba? Wala. Wala akong friends, wala din akong kakilala. Basta ang goal ko lang eh walang makaaway para after 6 months ay makauwi na ako. Hehehe.
So I do my morning routine, ligo, kuskos, banlaw, toothbrush, pili damit, shoes, larga! Hindi ko dinala si Sylvester or si Mickey, or si Thunder with me. Ayaw ko maghinala sila eh. Na ang isang nerd na katulad ko ay may cars at motor na ganun. Ayoko makauha ng atensyon nila. Mahirap na. Malay mo may mga kakilala yung gma ibang taga sa amin dito, pero I doubt wala naman siguro.
I am now on my last year - senior year. After this makakapagpatuloy na ako ng course ko. I wanted to be a chef, so HRM muna ang course na i-ta-take ko and then mag second course ako which is Culinary Arts. Hehe. I love cooking just like my mom.
NIlakad ko lang from my place to the school. Para exercise na din. I need that to keep my body fit. Kahit na alam ko naman hindi ko yung magagamit dito. Lahat na lang nakatingin sa akin. Bakit masama bang magsuot ng baggy clothes and rubber shoes with my hair tied in a bun then black rimmed eyeglasses, and a backpack? Grabe sila sa akin. Hindi ko na lang pinagpapansin.
Masyado ata akong natuwa sa paglalakad kaya pagcheck ko ng wach ko, 5 minutes na lang at late na ako. I'm the type of person pa naman who hates being late. Hehe. Yun kasi turo ni dad - wag paimportante.
Lakad takbo na ang gawa ko, and then suddenly I felt cold liquid running down my clothes. Pagtingin ko, nakita ko ang isang babaeng mukhang clown na nasa harapan ko at ang sama ng tingin sa akin, medyo may talsik din siya sa damit niya. I bet she's the school's queen B.
"So-sorry po." sh!t this is not so me.
"WTH! ANong magagawa ng sorry mo? EH natalsikan ang damit ko? Apat na nga ang mata mo hindi mo pa ako napansin? Napakatanga mo naman talaga!" she shouted at me at the tp of her lungs. Kaya ayan, ang dami ng nakalapit sa amin.
"Sorry na po. Nagmamadali kase ako kase malalate ako sa klase ko. At, mas mabasa naman ako kaysa dyan sa simpleng talsik lang sa iyo. At pede ba, padaanin mo na ako. Wala akng balak ma-late sa first day ko sa school na ito ng dahil lang sa isang mukhang clown na katulad mo!" badtrip na eh.
"Wow. Ang lakas naman talaga ng loob mo noh? Ngayon ka lang nakatapak dito pero ganyan na agad ang ugali mo. Hindi mo ako kilala?"
"Malamang, hindi kita kilala kase bago lang ako dito. Anyway, I am Marini Rodriguez. And you are?"
"Wow! Ang lakas mo magpakilala ah. Anyways, I am Nina Perez. And these two are Anna Ramirez and Karen Andreda." and after niya sabihin yun, umalis na ako. Wala akong panahon sa kanila.
AnnaKarenNina - yan ang pangalan nila sa akin. Haha. Mga babaeng mukhang clown. Akala mo eh ikinaganda nila ang ginagawa nila. I may be a notorious princess but I don't act like them. My attitude depends on the person in front of me. And I guess, hindi magiging madali ang 6 months ko dito.
************************************************************************************************
[ZION}
"Ok class, we have a transferee. And I guess, late agad sya on her first day." Mr. Rodrigo, a terror teacher. He hates late students.
'Transferee? Babae ba sir?'
'Maganda ba sir?'
'Baka naman mamaya nerd yan ah? Dpat hindi s dito.'
Mga to talaga, gslit na galit sa mga nerd eh. Akala mo naman mga kaga-guapo at kagaganda.
"Sir, sorry late ako. May isa kasing student na natapunan ako sa damit eh. She's so stupid talaga. Hindi na to mauulit sir." it's Nina, the school's queen B!
Then she went straight with her alipores sa likod ko. Mga babaeng walang ibang ginawa kung hindi ang mag-aarte sa loob ng eskuwelahan.
"Pogi! Ang tahimik mo na naman. Last year na natin ito, have some fun. Wanna-" hindi na siya natapos dahil sa pagdating ng isang babae.
"Sir, I'm really sorry for being late in my first day. 'Cause someone stupid spilled mater on me. Not even looking sa dinadaanan niya, like she owns the school. Does she even know who owns this "Amberville University"? My golly wow." she said in a tone like she really know who owns the school, or should I say, sa tono niya, parang gusto niyang sabihin na she owns the school.
"Well, sorry for what happened. Pareho pala kayo ni Nina ng nangyari. Students nowadays. Please introduce yourself , miss." wow. Biglang ang bait ni sir ah. Sa kanya lang talaga sya ganyan. Why?
"Hi. I am Marini Rodriguez, 19 years old, a transferee. I know I am not what you are expecting to be. I know na ang hinahanap niyo ay isang maganda, sexy, maouti, ah basta yung tipical na hinahanap ng mga lalaking katulad niyo. That's all."
"Sige na, maupo ka na sa tabi ni Mr. Francis." wow. Dito pa talaga naisip ni sir, alam naman niya na ayaw kong may katabi. Tsk!
"Sir, can we ask her some questions? Para naman makilala namin sya. Bilang first day namn niya dito sa school natin." sabi ni Bryant. One of my tropa.
Tumango lang si sir, at sinenyasan si Marini na lumapit sa harapan.
"Ano ba to beauty contest at my q&a pa?" bulong niya na narinig ko naman.
"So, Marini, bakit ka lumipat dito?" - Mark.
"Parusa ni daddy sa akin." walang buhay na sagot siya. Pasaway ba sya?
"Pasaway ka ba?"
"Sa tingin mo ba?"
"Can you describe yourself?"
"Sige. Kung kayo takot kay kamatayan, pwes ako ang humahabol kay kamatayan. Kung ang iba, natatalo ni kamatayan, ako kahit kailan ayaw na niyang labanan." and after that umalis na sya and umupo sa pwesto niya. She is somehow scary pero there is something in her words na nagsasabing may matindi siyang pinagdadaanan. But the h3ll I care. Wala akong pakealam sa kanya.
------------------------------------------------------------------------------------------------
[AIKEAH]
Ang AnnaKarenNina naman pala ay nasa klase ko rin. Haha. Mukhang magiging masaya toh ah?! Matext nga si Albert at ng makahingi ng info about these girls, and this guy beside me na kanina pa ko tinitignan.
"No phones. Magagalit si sir." sabi niya pero nakatingin lang sa board. Mukhang takot silang lahat kay Rodrigo ah? Last name basis ba ako? Close kami niyan eh. Alams na mangyayari sa businesses niya pag pinakialamanan niya ako. Akalain mong may silbi pa din pala ang pagiging Rodriguez ko. Haha. Ang faculty lang nman ang nakakaalam sa totoong pagkatao ko eh. Haha
"Hayaan mo lang sya. Akong bahala dyan."
"Creepy. Masyado kang matapang. Ewan ko lang kung kayanin mo ang pag-stay dito." sabi niya. Hello, we own this school kaya. Guto ko isigaw sa kanya, kaso hindi pwede.
Hayan, natext ko na din si Albert, mamayang lunch lang may info na ako about these people around me. Ako yung tipo ng taong ayaw nalalamangan at gusto ko laging patas lang ang laban.
"Hay, why do we have nerd ba here sa school? Nakakainis naman. Pumapangit na tuloy yung school dahil sa isang katulad niya." si Nina.
"Kalma. Marini. Kalma." paulit ulit kong bulong sa sarili ko. Ako kasi yung tipo ng taong masyadong maikli ang pasensya. Nakita kong nakatingin sa akin itong lalaking katabi ko.
"I'm Marini, you?"
"Zion." suplado ah.
"Look mo siya sister. She's making landi pa kay baby Zion natin. She's so malandi."
And there. They hit the wrong button. Hinarap ko agad sila na ikinagulat nila. LUmabas na kasi si Rodrigo. Tapos na klase namin sa kanila.
"Anong problema niyo?"
"Us? Wala kaming problema, pero nung dumating ka nagkaroon na." it's Karen.
"Wow. Dapat pala magpasalama kayo sa akin kase binigyan ko kayo ng panibagong problema. Kasi mukhang ang problema niyo lang dati ay kung paano mapansin ng lalaking katabi ko." then I smirked at them.
"Pati ako dinamay pa. Psh." si Zion Sungit. Haha.
"You're so kapal naman talaga. You're not maganda kaya. Look at yourself sa salamin. You look so, ugly!" tumaas ang boses ni Anna. Kaya ayun, dami ng nakatingin sa amin. May patayo tayo effect pa kasi ang loka.
Ako, heto nakaupo lang at binabasa ang sinend na file sa akin ni ALbert. Akalain mong kasosyo pala ni dad ang daddy ng tatlong lukaret na ito. At kasama ni daddy ngayon sa meeting ang mga ama nila. Pinipilit na papirmahin ulit si daddy. Ahaha.
"Hey,!" the f@ck. Wala pang ni isa ang nakagawang hablutin ako sa braso! F@ck. Naghahanap talaga sila ng sakit ng katawan.
"WHAT THE F@CK IS YOUR PROBLEM NINA PEREZ?! NO ONE DARES TO DO THAT TO ME!" beastmode na talaga ako. Ramdam ko naman ang pagkagulat ng mga kaklase ko. Kalma Marini. Wag dito. Hindi pa tamang panahon.
"HOW DARE YOU SHOUT AT ME? YOU UGLY NERD! YOU-" hindi ko na sya pinatapos at sinipa ng pagkalakas lakas ang silya. P0tah! wala akong panahon para sa kanila. Baka mapatay ko lang sya.
Dire-diretso akong lumabas ng room at nagdirecho ng gym. Kita ko naman na wala pang mga tao. Dahil na rin sa oras pa ng klase at buti na lang may mga bola ng volleyball dito. Hindi ko pala nasabi sa inyo na player din ako ng volleyball sa school namin. Captain ball to be exact.
************************************************************************************************
[ZION]
Akala ko pa naman matapang. Lalayasan lang naman pala nya tong tatlong clowns na ito. Tumayo na lang ako at sinundan siya. Ewan ko ba. Pagkakita ko pa lang sa kanya kanina gusto ko na siyang laging nakikita. Pinipilit ko syang i-ignore pero nagkakaroon lagi ng dahilan para sundan ko sya. Parang gusto ko syang protektahan sa kung ano na hindi ko maintindihan.
Hindi ko nga alam kung tama ba na sundan ko siya. Mukhang pinipilit lang niya kaninang kalmahin ang sarili niya. Ayaw niyang ipakita ang totoong nararamdaman niya. Bakit?
Nakita ko syang pumasok sa loob ng gym at nagdirecho sa may volleyball court. Kitang kita ko ang lakas at impact ng tira niya sa bola. Masyadong malakas ang pwersa ya para sa isang maliit na babaeng tulad nya.
Marahas niyang pinupunasan ang luhang naglalandas sa pisngi niya. Sa bawat pagtira niya, ay may mga salita syang binibigkas. Mga salitang punong puno ng galit at sakit. Siguro ay dahil sa mahal niya ang taong iyon. Hay, love nga naman, walang naidudulot na maganda sa isang tao. Gusto ko syang tulungan. Hindi ko alam, pero sa tingin ko I like her. She looks strong yet I know she's weak.
"I HATE YOU FOREVER JACK! ONE DAY, I'LL GET OVER YOU. I'LL GET MY REVENGE ON YOU AND MY BESTFRIEND. F@CK YOU BOTH! I WISH YOU DIE NOW! AAAAAAAAAAAHHHHHHHHHHHHHH!" and upon hearing that, iniwan ko na sya.
************************************************************************************************
No comments:
Post a Comment